DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Imprinta ng 50-M official ballot, natapos na -Smartmatic

Masayang ibinalita ngayon ng poll automation service provider Smartmatic-Total information management (TIM) na nakompleto na nila ang mahigit 50-milyong balota na kailangan para sa nalalapit na nationwide automated elections.

Sa magkasunod na mensaheng ipinadala nina Smartmatic-Asia Pacific president Cesar Flores Zavarce at spokesman Gene Gregorio, sinabi ng mga ito na bandang hatinggabi nagtapos ang paglilimbag.

Umaabot sa eksaktong bilang na 50,850,940 ballots ang nagawa upang punan ang kinakailangan ng Commission on Elections (Comelec) sa buong kapuluan.

Magugunitang Abril 25 ang una ng ibinigay na deadline para sa nasabing ballot printing ngunit dahil sa full blast printing ng mahigit isang milyong balota kada araw, mas maaga itong natapos kaysa sa inaasahan.

“We would like to announce that we have printed 50,850,940 ballots. We beat the deadline,” pahayag ni Gregorio.

“We finished printing!!! 50,850,940 ballots, two days before the deadline. Great job everybody!!!!,” mensahe ni Flores.

April 22, 2010 - Posted by | Uncategorized

1 Comment »

  1. […] This post was mentioned on Twitter by dennis jamito. dennis jamito said: official ballot printing, nagtapos na https://bombodennis.wordpress.com/2010/04/22/imprinta-ng-50-m-official-ballot-natapos-na-smartmatic/ […]

    Pingback by Tweets that mention Imprinta ng 50-M official ballot, natapos na -Smartmatic « DENNIS JAMITO -- Topsy.com | April 28, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: