DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pinakamainit na temperatura sa M. Manila, naitala

Pumalo pa sa pinakamataas na antas ang temperatura ngayong araw sa Metro Manila.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), naitala sa 37.3 degree Celsius ang init ng panahon sa Quezon City.

Ito na umano ang pinakamataas na record na naitala ng weather bureau ngayong taon.

Una ng nagbabala ang Pagasa na aasahan pa ang mas mainit na panahon sa mga darating na araw hanggang sa Hunyo.

Sa kabila ng napakainit na panahon, pasado alas sais ng gabi ng biglang bumuhos ang malakas na ulan sa ilang lugar sa Metro Manila at Cavite.

Ayon sa Pagasa, normal umano ito lalo na kung mainit ang panahon kung saan nagkakaroon ng isolated rainshowers at nagdudulot din ng evaporation at pagkabuo ng mga kaulapan.

Nagpaalala rin ang Pagasa na hindi pa tapos ang summer season o panahon ng tagtuyot.

April 28, 2010 - Posted by | National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: