DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Data ng PPCRV, nagka-aberya; bilang ng boto, nag-rollback

Bahagyang naantala ang paglalabas ng mga unofficial tally mula sa Pius Data Center dito sa lungsod ng Maynila.

Ito’y matapos magkaroon ng error ang pasilidad na ginagamit ng poll automation service provider Smartmatic-Total Information Management (TIM) para sa pagkalap ng data mula sa main server.

Nabatid na ang bilang ng mga boto ay bumaba ng 70 porsyento, kung saan ang dating boto para kay Sen. Noynoy Aquino na 13-milyon ay sumadsad na lamang sa limang milyon sa pinakahuling tally.

Sinasabing nagsimula ang error bandang 5:00 ng madaling araw kanina lamang.

Dahil dito, agad tinawagan ng Bombo Radyo ang tanggapan ng Smartmatic para ipaalam ang nasabing problema.

Agad namang nagpadala ng mga technical personnel ang Smartmatic para ayusin ang natukoy na aberya.

Tiniyak naman ni Smartmatic spokesman Gene Gregorio na hindi makaka-apekto sa running tally ng Comelec ang nasabing pangyayari dahil hindi naman naapektuhan ang main server ng poll body.

Inaasahang mamayang hapon ay maaayos na umano ito at babalik na sa normal ang bilang ng mga boto na nakuha ng mga kandidato.

May 14, 2010 - Posted by | Exclusive, National, Technology, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: