DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Simula ng canvassing sa kongreso, naging mabusisi

Naging mabusisi ang proseso ng pagbubukas ng kauna-unahang ballot box na bibilangin sa nagpapatuloy na national canvassing para sa mga presidential at vice-presidential candidates.

Una rito, isa-isang isinalarawan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagbubukas ng tatlong selyo ng Commission on Elections (Comelec) sa nasabing box na mula sa Kingdom of Laos.

Nangangailangan pa ng bolt cutter para mabuksan ang naturang mga kandado.

Tinukoy din ng secretariat ang pangalan ng mga board of election inspectors bilang patunay sa “authenticity” ng mga certificate of canvass na nakapaloob sa balota.

Maliban dito, hiniling din ni Atty. Sixto Brillantes, isa sa mga abogado ni Liberal Party presidential candidate Noynoy Aquino na kailangan ang mismong in-charge ng overseas absentee voting (OAV) system ang mangasiwa sa pagbubukas ng balota.

Sa kasamaang-palad, iniulat ni Comelec commissioner Gregorio Larrazabal na mayroong emergency si commissioner Armand Velasco dahil ang ama umano nito ay isinugod sa ospital ngayong gabi.

Batay sa botong binilang, narito naman ang official tally mula sa bansang Laos:
Aquino – 55
Gordon – 28
Estrada – 16
Madrigal – 0
Perlas – 0
Teodoro – 18
Villanueva – 14
Villar – 38

Para sa ikalawang-pangulo naman:

Binay – 33
Chipeco – 0
Bayani – 24
Legarda – 27
Manzano – 4
Roxas – 72
Sonza – 1
Yasay – 9

Samantala, agaw eksena naman si Compostella Valley Rep. Manuel Zamora sa ginagawang canvassing dahil inako nito ang responsibilidad sa pagbitbit ng nasabing ballot box.

May 27, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: