DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Canvassing ng Kongreso, natapos na

Matapos ang mahigit isang oras na paggisa sa board of canvasser ng Lanado del Sur, natapos na rin ang canvassing ng Kongreso na umuupong National Board of Canvasser (NBoC) para sa presidential at vice presidential race.

Napag-alaman na tanging ang certificate of canvass (CoC) na lamang sa nasabing lalawigan ang hinintay ng Kongreso upang takpan ang canvassing.

Ngayong hapon lang din dumating sa Kongreso ang CoC mula sa Lanao del Sur bunsod ng special election na ginawa sa lalawigan.

Subalit hindi kaagad naisalang sa canvassing ang nabanggit na CoC sa pagsisimula ng sesyon matapos na nagpahayag pa ng manipestasyon ang mga abogado ng iba’t-ibang kandidato kung saan ang iba ay nagpaabot na lamang ng pagbati sa mga nanalong kandidato.

Kinwestyon din ng ilang senador at kongresista ang hindi pa pagtatakda ng Commission on Elections ng special election sa ilang bayan sa Lanao del Sur.

Napag-alaman na hanggang ngayon ay may ilang lugar pang hindi nakakapagsagawa ng halalan.

Ngunit pagsapit ng alas 3:00 ngayong hapon, naisalang din sa canvassing ang kahuli-hulihang CoC.

Nanguna pa rin sina Sen. Noynoy Aquino sa pagka-pangulo at Makati Mayor Jejomar Binay bilang bise presidente.

Bukas ay ipi-presenta ng komite ang report sa joint session kung saan ito pagbobotohan sa pamamagitan ng voice vote.

Matapos nito ay isasagawa ang proklamasyon ng susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

June 8, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: