DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Mediaman, patay sa pananambang’

BENGUET — Wala pa mang isang buwan ang administrasyon ng Pangulong Benigno Aquino III, isang miyembro na naman ng media ang napaulat na napaslang.

Kinilala ngayon ng mga otoridad ang biktima na si Jose Dagio, isang radio reporter at kolumnista ng isang lokal na pahayagan sa Kalinga province.

Sa inisyal na imbestigasyon, naghahapunan kagabi ang biktima sa kaniyang bahay sa Tuga, bayan ng Tabuk ng pasukin ito ng hindi pa nakilalang mga suspek at walang habas na binaril.

Naisugod pa sa ospital si Dagio pero idineklara ding dead on arrival.

Si Dagio ay sinasabing reporter ng Radyo Natin Tabuk at nagsusulat din sa isang local paper sa lalawigan.

Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng mga otoridad ang posibleng motibo sa kremin, kabilang ang anggulong may kaugnayan ito sa trabaho ng biktima.

Noong nakaraang buwan lamang, napaslang sa Digos City, Davao del Sur, ang isang local reporter na si Nestor Bedolido, isang manunulat ng pahayagang Kastigador.
Sa inisyal na imbistigasyon, bumili lamang ng sigarilyo ang biktima sa panulukan ng Rizal at Quezon Avenues nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek.

Napag-alaman na matagal na pala itong nakakatanggap ng death threats.

Ilang linggo bago ang pagpatay kay Bedolido, patay din sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek si Joselito Agustin ng DZJC Aksyon Radyo sa Laoag City, habang nasawi din sa pananambang ang broadcaster na si Desidario Camangyan ng Mati, Davao Oriental.

July 4, 2010 - Posted by | Local, National

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: