DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Lahar mula sa bulkang Mayon, nagbabantang bumuhos’

LEGAZPI CITY – Nagbabala ang lokal na Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibleng magkaroon ng lahar flows sa paligid ng Mt. Mayon dahil sa panahon ng tag-ulan.

Dahil dito, nagbabala si Ed Laguerta, volcanologist ng Phivolcs sa mga naninirahan sa paligid ng bulkang Mayon na delikadong manirahan dito kapag ganitong sasapit ang panahon ng tag-ulan kaya maging alerto lalo na kapag bumuhos ang malakas na pag-ulan.

Paliwanag ni Laguerta na sa ngayon ay hindi pa rin stable ang slopes ng Mayon at sa mahigit na isang oras na malakas na buhos ng ulan ay maaaring magkaroon ng malakas na lahar flow na posibleng ikadisgrasya ng mga naninirahan sa paanan ng bulkan.

Base sa ginawang pagtaya ng Phivolcs, umaabot sa 30 hanggang 50 milyong cubic meters ng mga volcanic materials ang ngayo’y nakadeposito sa slopes ng Mayon volcano dahil sa may isang buwang pagputok nito noong nakaraang Disyembre 2009.

Nasa alert level one pa rin ang alarma ng nasabing bulkan subalit may maliliit pa ring pagsabog na nagaganap sa crater nito dahilan upang bawal pa rin ang mga trekkers na umakyat.

July 6, 2010 - Posted by | Local, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: