DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Magdalo soldier na si Capt. Faeldon, sumuko na

Matapos ang mahigit dalawang taong pagtatago, lumantad na at sumuko na rin si Marine Capt. Nicanor Faeldon.

Sinabi ni Navy Spokesman Lt. Col. Edgar Arevalo, sumuko si Faeldon kay Marine Commandant Maj. Gen. Juancho Sabban sa Fort Bonifacio.

Si Faeldon ay isa sa mga namuno sa nabigong Oakwood Mutiny noong July 2003 pero tumakas noong December 14, 2005 at nahuli noong January 27, 2006.

Muli itong nakatakas noong Nov. 29, 2007 sa kasagsagan ng Manila Peninsula siege.

Ayon naman kay AFP spokesman B/Gen. Jose Mabanta, maganda itong development sa ibang mga rebelde na magbalik loob na rin sa pamahalaan.

Inamin din ni Mabanta na kahapon pa ay inabisuhan na sila ni Sabban na anumang oras ay susuko si Faeldon at kanina nga ay nag-surrender na ito.

Nakatakda namang iharap sa isang press conference si Faeldon.

Ayon naman sa abogada ni Faeldon na si Atty. Trixie-Cruz Angeles, ang pagsuko nito ay pagkilalala niya sa lehitimong gobyerno ni President Noynoy Aquino na tunay na nahalal ng taongbayan.

“But suffice it to say that this is the culmination of his stand not to allow dubious authority to exercise jurisdiction over his person… A duly elected president is now commander-in-chief and Captain Faeldon submits to that authority,” ani Angeles sa isang text message.

Kung maaalala ang pagtakas ni Faeldon noong kasagsagan ng Manila Peninsula siege ay nang mag-walkout ang nakakulong na sina Sen. Antonio Trillanes IV, dating Scout Ranger chief B/Gen. Danilo Lim, at 25 mga sundalo mula sa pagdinig ng kanilang kaso sa lungsod ng Makati.

Makalipas ang ilang araw ay nagpalabas ng alok ang Arroyo government ng P1 million bilang reward para sa kanyang ikakaaresto.

Ang 44-anyos na si Faeldon na ipinanganak sa probinsiya ng Batanes ay graduate ng Philippime Military Academy (PMA) Class of 1995.

July 7, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: