DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Sen. Lacson, susuko na – DoJ

Kinumpirma ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima na mayroon ng feeler sa planong pagsuko ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Tumanggi namang idetalye ng kalihim ang nasabing impormasyon, kasabay ng pag-amin na hindi idinaan sa kanya ang pagpaparamdam.

Tiniyak din naman nito na walang special treatment na maasahan si Lacson sa DoJ sakali mang matuloy na ang pag-surrender nito.

Si Lacson ay mayroong standing warrant of arrest na inisyu ng Manila City Regional Trial Court kaugnay sa kinalaman umano sa pagdukot at pagpatay sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Muli ring pinabulaanan ni De Lima ang mga reports na nakabalik na sa Pilipinas ang mambabatas.

Ang kalihim ay nakipagpulong na rin kay NBI Director Nestor Mantaring at nilinaw din nito na walang kumpirmasyon na nagtatago lang sa Pilipinas ang senador.

Pero sa panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Alex Avisado, legal counsel ng senador, sinabi nito na wala silang ideya sa sinasabing feelers sa dahilang kung mangyayari ito ay tiyak aniyang makikipagkonsulta ito sa kanila.

Pero aminado rin siya na posible namang dumiretsong makipag-ugnayan si Lacson kung sakali sa DoJ.

Gayunman, hindi pa ito maaaring mangyari sa dahilang may nakabinbin pang petisyon sila na hindi pa nareresolba.

Inulit din nito na hindi sila humihingi ng pabor sa Aquino administration at dapat hindi makialam ang pamahalaan sa judicial process.

Kung maaalala, maging si Sen. Gringo Honasan, na mistah ni Lacson sa Philippine Military Academy (PMA) ay nanawagan na rin na sumuko na lamang ito at gayahin ang kanyang ginawa noong siya ay isang fugitive na harapin ang kaso.

July 8, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: