DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Reklamo ni Roxas vs Binay naisampa na sa PET

Handang gumastos ng milyun-milyon ang kampo ni Liberal Party (LP) vice presidential candidate Mar Roxas para lamang maisulong ang election protest laban kay Vice President Jejomar Binay.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Joey Tenefrancia, pinag-aaralan na nila maging ang naging takbo ng kaso ni Sen. Loren Legarda laban naman kay dating VP Noli de Castro at kung gaano kalaki ang inabot ng gastos nito sa loob ng tatlong taon.

Kaninang umaga nang maisampa ang kaso ni Roxas sa electoral Supreme Court na siya ring tumatanggap ng protesta para sa presidential electoral tribunal.

Batay sa hawak na kopya ng Bombo Radyo, umaabot sa 102 pahina ang reklamo ni Roxas.

Nagbayad ang dating senador ng P100,000 bilang filing fee at P200,000 na deposit sa gagawing recount process.

Pero sa halip na automated, hirit ng kampo ni Roxas na gawin itong mano-manong bilangan upang matukoy maging ang mga boto na hindi nabilang.

Kabilang sa mga ipinapagawa ng grupo ni Roxas ay ang forensic analysis upang matiyak na hindi mga “hokus PCOS” ang mga gagamiting makina.

July 9, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: