DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pacman, 68-anyos sa House record; misis iba rin

(Update2) Maging ang mga staff ni seven-division world boxing champion at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao ay nagulat sa maling mga datos ng mambabatas sa mismong record ng Kamara.

Batay kasi sa talaan ng House Secretary General sa pamamagitan ng kanilang offical website ng 15th Congress of the Philippines ay Mayo 28, 1942 ipinanganak ang kongresista at kung susumahin ay papatak sa 68-anyos ang edad nito sa official record.

photo by bombo djPero sa pagberepika ipinanganak talaga si Pacquiao noong Disyembre 17, 1978 at ang edad niya ngayon ay 31-anyos.

Maging ang pangalan ng asawa nito sa House record ay sablay rin.

Sa halip kasing Maria Geraldine “Jinkee” Jamora ay Elizabeth B. Salvacion ang nakalagay na misis ni Pacman.

Pagkatapos na mabasa sa Bombo Radyo website, agad tumawag sa himpilan ang ilang staff ng Kamara upang itanggi ang maling mga impormasyon sa link ng pangalan ni Pacquiao.

Binalikan naman ng Bombo Radyo ang link at nabatid na napalitan na ito ng mga bagong impormasyon o edited version na (http://www.congress.gov.ph/members/search.php?congress=15&id=pacquiao).

Gayunpaman, nanindigan ang network sa ulat dahil nakunan ito ng mga larawan bago na-edit ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kanilang maling datos.

Napilitang magbigay ng paglilinaw ngayon ang House Secretary General matapos lumabas sa website ng Bombo Radyo ang ulat ukol sa maling mga impormasyon sa data link ni Pacquiao.

Isang kalatas ang ipinalabas ni Sec. Gen. Marilyn Yap na nagsasabing hindi sa kanila nanggaling ang pagkakamali dahil ibinigay lang ang lahat ng datos na nakakarga sa kanilang website.

Subalit ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales Jr. kailangang malaman kung sino ang tunay na may pagkakamali sa nasabing sablay na impormasyon.

Aniya, sinuman ang may sala ay kailangang humingi ng paumanhin sa taong naapektuhan ng pagkakamali.

Pero ayon naman kay Pacquiao sa panayam ng Bombo Radyo, hindi na niya palalakihin pa ang isyu dahil alam naman ng publiko kung ilan talaga ang kaniyang edad at kung sino ang kanyang misis.

Ang official website ng Kamara ay mahalagang reference lalo sa panahon ngayon ng internet age dahil nakapaloob dito ang maraming mga impormasyon.

Mababasa sa homepage ng House of Representatives ang mga katagang:

“WELCOME TO THE HOUSE OF REPRESENTATIVES On behalf of the Speaker of the House, and all the House Members, welcome to your House of Representatives!… And we hope that you will learn much from your visit.”

August 10, 2010 - Posted by | Exclusive, National, Technology, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: