DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pacman-Margarito, sa Cowboys Stadium gagawin

Kinumpirma na ngayon ng mismong business adviser ni 7-division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang pagbabalik sa Cowboys’ Stadium ng Filipino ring icon para tangkaing makuha ang pang-walong korona.

Ayon kay Michael Koncz, nagkaroon na ng pinal na kasunduan sina Top Rank promoter Bob Arum at stadium owner Jerry Jones para sa venue ng Pacquiao vs. Antonio Margarito fight sa darating Nov. 14.

“Dallas is the final venue and we’re very pleased about that,” ani Koncz.

Maaalala na nitong nakaraang Marso lamang ay lumaban si Pacquiao sa Cowboys Stadium sa harap ng mahigit 50,000 fans kontra kay Joshua Clottey.

Samantala, buo naman ang loob ng business adviser na malalagpasan nila ang live gate record ng Pacquiao-Clottey bout.

Ani Koncz, target nilang makapagtala ng bagong record kung saan tinataya nilang lalagpas sa 70,000 fans ang magtutungo sa Cowboys’ Stadium para personal na panoorin ang makasaysayang laban ni Pacquiao.

Cowboys stadium”We believe that we can sell out the whole venue with Antonio Margarito and set a new record. Last time, we set a new record over there with 51,000 as a live gate, and I think that this time, we’ll surpass the number of about 70,000.”

Ang stadium ang itinuturing na pinakamalaking domed stadium sa buong mundo at may pinakamalaking “column-free interior and the largest high definition video screen which hangs from 20 yard line to 20 yard line.”

Ang Cowboys Stadium na siyang homecourt ng National Football League’s Dallas Cowboys ay may retractable roof.

Sinasabing kung pagbabasehan ang construction cost sa panahon ngayon naitayo ito sa halagang $1.3 billion.

Noong February 14, 2010 ay nakapagtala ang stadium ng bagong Guinness World Record matapos na maging host ng 2010 NBA All-Star Game na umaabot sa 108,713 na mga fans ang nanood.

Ito na ang itinuturing na “highest-attended basketball game in history,” kung saan ang East team ay nanalo sa pamamagitan ng 141-139 kontra sa West squad.

August 17, 2010 - Posted by | National, Sports, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: