DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Luneta hostage crisis

(Update) Nagtapos sa isang madugong trahedya ang malagim na hostage crisis sa Luneta, lungsod ng Maynila na tumagal ng halos 12 oras.

Patay ang walong mga hostage habang napatay din ng pulisya ang suspek. Apat ang nasawi sa Manila Doctor’s Hospital, dalawa sa Ospital ng Maynila at tig-isa sa San Juan de Dios Hospital at Philippine General Hospital.

Bago mag-alas 10:00 kaninang umaga nang i-hostage ni S/Insp. Rolando Mendoza ang Hong Thai Travel bus na may lulang 25 katao na kinabibilangan ng 21 Hong Kong tourist at apat na mga Pinoy.

Sumakay umano ng bus si Mendoza mula sa Fort Santiago, Intramuros at pagdating sa Luneta ay nagdeklara ng hostage.

Armado ang dating pulis ng M16, pistola at umano’y granada.

Unang pinalaya ang dalawang babaeng hostage nang umihi ang mga ito. Sa kabuuan naman ay siyam na mga hostages ang pinalaya. Bandang bago magtanghali ay dumating ang kapatid ng suspek na si SPO2 Gregorio Mendoza.

Tumulong ito sa negosasyon ngunit pagsapit ng gabi ay sapilitan itong inaresto at kinaladkad ng mga otoridad sa akusasyong accesory ito sa ginawa ng kaniyang kapatid.

Kabilang sa demand ng suspek ay maibalik ito sa trabaho matapos siyang sinibak noong nakaraang taon, at desisyunan kaagad ang kaniyang kaso na nakabinbin sa Ombudsman.

Bandang alas 12:30 ay apat pang hostage ang pinalaya hanggang sa umabot na sa siyam ang mga pinakawalang hostage.

Mga alas 7:30 ng gabi nang magsimulang marinig ang sunod-sunod na mga putok sa loob ng bus kung saan may 16 pang hostages na hawak ang suspek na si Mendoza.

Nakatakas naman ang driver ng bus na isang Pinoy na kaninang umaga pa ay ipinosas na ng hostage-taker sa manibela.

Sa kuwento ng driver sinabi nito na, nag-open fire ang suspek sa mga turista sa loob ng bus.

Sinundan ito ng sunod-sunod na mga putok. Dito na nilusob ng assault team ang bus kung saan binasag ang mga salamin at pinaputukan ang gulong.

August 23, 2010 - Posted by | International, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: