DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Ilang mediamen, maaaring kasuhan’

Sa ikatlong pagkakataon, nagsagawa ng reenactment ang mga miyembro ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) sa mga scenario na laman ng salaysay ng mga survivors na nakaugnayan ni Senior State Prosecutor Cielito Celi sa bahagi ng Hong Kong.

Dito ay gumamit pa ang investigating panel ng mga manikin upang kumatawan sa mga nasawing biktima ng Manila hostage incident.

Ayon kay IIRC head at Justice Sec. Leila de Lima, layunin nitong maihambing ang pahayag ng mga survivors sa sinumpaang salaysay ng Hong Thai bus driver na si Alberto Lubang na minsan ding pinaghinalaang kasabwat ng hostage taker na si Rolando Mendoza.

Kasunod nito, nagpahiwatig na rin si De Lima na posibleng may mga media personalities na managot kaugnay sa madugong insidente.

Anang IIRC chairperson, hindi maituturing na absolute right ang kalayaan sa pamamahayag kaya’t ikinukonsidera nilang kasuhan ang ilan sa mga nakaugnayan ni Mendoza.

Ipinaliwanag ng kalihim na kasama sa mandato ng IIRC na alamin kung sino ang mga responsible kaya nauwi sa trahedya ang nasabing hostage crisis.

Dagdag pa ni De Lima, bagama’t kinikilala naman ng pamahalaan ang press freedom sa bansa ay may mga limitasyon naman ito kung ang seguridad na ng publiko ang nakasalalay.

Tumanggi din si De Lima na ihayag ang mga posibleng maging rekomendasyon ng IIRC kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Magugunita na kasama sa mga ipinatawag sa imbestigasyon ng IIRC ang ilang anchor ng DZXL-RMN, TV reporter na sina Susan Enriquez at iba pa.

September 13, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: