DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

HK, no comment muna sa IIRC report

HONG KONG – Tumanggi munang magkomento ang gobyerno ng Hong Kong ukol sa report ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) may kaugnayan sa nangyaring hostage crisis na ikinasawi ng walong Hong Kong tourists.

Inihayag ni Hong Kong Chief Executive Donald Tsang, nalaman lang niya sa media na naisumite na kay Pangulong Noynoy Aquino ang nasabing report.

Premature pa aniya ang magkomento ukol dito dahil hindi pa niya ito nababasa.

Ngunit nagpasaring naman si Tsang at sinabing sana umano ay natuto na ng leksyon ang Pilipinas.

Dapat din umanong tiyakin ng Pilipinas na gumawa ng hakbang batay sa IIRC report at tumulong upang maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa Hong Kong na ligtas ang mga ito kapag tumungo sa bansa.

“I hope the authorities in the Philippines have learned a lesson and make certain they take remedial action, and particularly help Hong Kong people regain their confidence in their safety while travelling, doing business or as tourists in the Philippines,” ani Tsang.

Samantala, inihayag naman ngayon ng isang mambabatas sa Hong Kong na maliban sa sanhi ng pagkamatay ng mga biktima, gusto rin nilang malaman ang sanhi ng pagkasugat ng ilan pang hostages.

Sa kabilang dako, nakabalik na rin ng Hong Kong ang apat na mga pulis na muling tumungo ng Maynila para sa karagdagang imbestigasyon.

Magsasagawa rin ang mga ito ng report na isusumite sa coroner upang pagpasyahan kung kailangan pang magkaroon ng pagdinig sa hostage crisis ang gobyerno ng Hong Kong.

Sa initial findings, sinasabing 12 personalidad ang inirekomendang kasuhan ng IIRC dahil sa nabigong pagresolba sa hostage taking incident na ikinasawi ng walong mga Hong Kong tourists.

September 18, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: