DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Kakaibang sama ng panahon, nagpapaulan sa RP – Pagasa

Isang kakaibang uri ng sama ng panahon ang kasalukuyang nakakaapekto sa Pilipinas kaya nagkakaroon ng malawakang pag-ulan.

Ayon sa Pagasa, nararanasan ngayon ng malaking bahagi ng ating bansa ang tinatawag na tropical wave o ang malaking volume ng kaulapan na mas marami pang dalang tubig kumpara sa isang low pressure area (LPA) at intertropical convergence zone (ITCZ).

Aniya, maging sila ay wala pang sapat na kaalaman ukol sa naturang weather system dahil pinag-aaralan pa rin ang klasipikasyon nito kumpara sa ibang uri ng sama ng panahon.

Kabilang sa mga lugar na nakakaranas ngayon ng matinding mga pag-ulan ay ang Eastern Luzon, Metro Manila, malaking bahagi ng Visayas at Eastern Mindanao.

Samantala, kanina ay naging bagyo na rin ang binabantayang low pressure area sa eastern Pacific Region at tinawag ito bilang tropical depression Malakas.

Pero paglilinaw ng Pagasa, nasa labas ito ng Philippine area of responsibility (PAR) at hindi makakaapekto sa alinmang bahagi ng ating bansa.

September 21, 2010 - Posted by | National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: