DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pres. Aquino, ititiwalag sa Katolisismo?

Alam n’yo mga kaibigan, masyado akong nagulat sa mga naging pahayag ng pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na si Bishop Nerio Odchimar, ukol sa posibleng pagtitiwalag ng Iglesia Katolika sa mismong Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

May kinalaman po ang isyung ito sa pagpabor ni Aquino sa Reproductive Health Bill o kilala rin bilang RH bill, na isa sa mainit na usapin sa ating bansa sa kasalukuyan.

Ayon kay Odchimar, hindi nila malayong alisin bilang kasamahan sa relehiyon o kung tawagin nila ay “excomunicado” na may kaparehong kahulugan na itiwalag sa simbahan ang Punong Ehekutibo.

Una nga po dito, nagbigay ng isang maikling pahayag ang Presidente ng ating bansa noong ito ay nasa United Nations (UN) General Assembly sa Estados Unidos matapos matanong sa kaniyang posisyon ukol sa RH bill at population growth.

Nakakalungkot na isipin, pagkatapos ng mga batikos sa atin ng mga taga ibang bansa dahil sa sari-saring kapalpakan, ang mga lider pa mismo ng gobyerno, simbahan at mga tao ang nagbabangayan kaya sa halip na maayos ang problema, sila-sila mismo ang nakakadagdag.

Minsan nauumay na nga ako sa katwiran ng simbahan ukol sa “humayo kayo at magpakarami.”

Aba’y parang hindi na kasi angkop sa panahong ito ang ganung mga pagmamatuwid.

Sa salita pa lang makikita mo nang sablay.

Magpapakarami pa ba ‘yung sobrang dami na?

Ang iba nga wala nang makain at matuluyan.

Pero, ano naman kayang magiging stand ni P-Noy ngayong pinagbabalakan na pala siyang itiwalag ng kaniyang kinaaanibang relihiyon?

September 30, 2010 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: