DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

2 Chinese, 1 Pinay, chinap-chop!

CAUAYAN CITY, Isabela – Nagulantang ang mga residente matapos matagpuan sa ilog ng liblib na lugar ng Saguday, Quirino Province ang tatlong ulo na pinaghahanap ng mga otoridad at umano’y bahagi ng katawan ng Chinese couple na negosyante at Pinay na brutal na pinaslang noong Setyembre 6, 2010 sa Ipil, Echague, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, ang isa sa mga ulo ay positibong kinilala ng kapatid ng Filipinang si Gemma Eugenio, isang ahente ng palay.

Sinasabing kasama ni Eugenio na binaril sa ulo at pinagputul-putol pa ang katawan ay ang mag-asawang Chinese na sina Lucio at Rosemarie Pua.

Ang mga biktima ay hindi na nakauwi makaraang magtungo sila sa bahay ng principal suspect na si Jaylord Dimal, negosyante sa Ipil, Echague, Isabela, upang maningil ng P1.2 million na halaga ng mga ibinentang palay.

Nadiskubre ang tatlong ulo na nakalagay sa iisang sako matapos makaamoy ng masangsang ang mga residente sa lugar.

Nang hanapin ay nagimbal ang mga ito at tumambad ang tatlong ulo kaya’t agad nilang ipinabatid ito sa mga alagad ng batas.

Patuloy na pinaghahanap ang iba pang bahagi ng katawan ng mga biktima na itinapon umano sa ilog sa Santiago City at Saguday, Quirino.

Samantala ang lima sa anim na mga suspek kabilang na ang mastermind na si Dimal ay nakakulong na sa Isabela Provincial Jail sa Ilagan, Isabela matapos sampahan ng kasong kidnap for ransom at multiple murder.

Nangako na rin ang Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry sa Isabela na magkakaloob ng P100,000 na reward sa sinumang makakatagpo sa chop-chop na katawan ng mag-asawang Chinese.

October 2, 2010 - Posted by | National, Regional, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: