DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Typhoon watch para sa storm Megi (Juan)

Dahil sa patuloy na paglakas at mabilis na mga development, nagpadala na ng team ang ilang weather agency sa mga lugar na daraanan ng bagyong Juan o may international name na Megi.

Ayon sa ulat, isang C-130 aircraft ang ipinadala ng ITOP Research Team mula sa Guam para magtungo sa sentro ng bagyo upang magsilbing reconnaissance flight na kukuha ng mga datos ukol sa lakas at bilis nito.

Bukod sa eroplano, isang sasakyang pandagat din ang ipinadala sa lugar upang tingnan naman ang aktibidad sa paligid ng naturang weather disturbance.

Sa pinakahuling impormasyon ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), umakyat na umano sa second category ang bagyo o lakas ng hangin na 165 kilometro kada oras.

Inaasahan naman ang landfall nito sa Northern Luzon sa araw ng Lunes kung hindi magbabago ang takbo nitong pakanluran hilagang kanluran.

Patuloy ang babala ng mga eksperto sa mga naninirahan sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyo dahil sa posibilidad ng pagbaha at malakas na paghampas ng hangin.

 

October 15, 2010 - Posted by | National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: