DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

China, nagtaas ng storm warning dahil kay ‘Juan’ (Megi)

BEIJING, China – Naghahanda na rin ang mga Chinese authorities sa posibleng pagtama sa kanilang bansa ng bagyong Juan na may international name na “Megi”.

Sa pagtaya ng Pagasa, magla-land fall ang bagyo bukas ng umaga sa Aparri, Cagayan habang inaasahan na sa Martes ay nasa bahagi na ito ng South China Sea.

Huling namataan ito sa layong 390 kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan (18.7°N, 127.9°E).
Sa weather advisory ngayong 4:00 p.m., taglay pa rin ng typhoon ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras at pagbugsong 230 kilometro bawat oras.

Nananatili naman ang bilis nitong 22 kilometro kada oras, patungo sa pangkalahatang direksyon pakanluran.

Ang super typhoon Megi, na ibig sabihin ay “catfish” o hito sa Korean language, ay sinasabing pinakamalakas na na bagyo ngayong taon, ayon sa China National Meteorological Centre (CNMC).

Ngayong araw ay itinaas na rin ang orange alert na siyang second-highest level warning ng rin ng CNMC, para na rin sa sapat na paghahanda ng mga otoridad.

October 17, 2010 - Posted by | International, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: