DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Carlo J. Caparas, tax evader?

Sinampahan ngayon ng 64 na bilang ng criminal charges dahil sa violation ng Tax Code of the Philippines o hindi pagbabayad ng umaabot sa P540 million sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang premyadong direktor at national artist na si Carlo Caparas.

Ngayong umaga lamang, personal na dumating sa Department of Justice (DoJ) si BIR Comm. Kim Henares para i-file ang reklamo bilang bahagi ng kanilang mas pinalawak na kampaniya laban sa mga tax evaders.

Batay sa pahayag ni Henares, gumawa si Caparas ng napakaraming proyekto sa telebisyon subalit hindi ito nagbayad ng kaukulang buwis mula noong 2006 hanggang 2009.

Nabatid rin ng BIR na tumanggap ang nasabing direktor ng P850 million mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) subalit hindi ito nagbayad ng nauukol na halaga.

Ito na ang ika-12 kinasuhan ng BIR sa DoJ mula ng mag-umpisa ang kampaniya kontra sa mga tax evaders base sa kautusan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

October 21, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: