DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Kambal na bagyo, papasok sa susunod na linggo

Habang napakabagal ng pag-usad ng bagyong si Juan na may international name na Megi, napakabilis naman ng pag-develop ng dalawang sama ng panahon sa silangang bahagi ng ating bansa.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na nakabase sa Guam, halos magkasinglakas na ang kambal na weather system at parehong naging tropical depression na ito kani-kanina lamang.

Huling namataan ang mga ito mahigit 1,000 kilometro sa silangan ng Philippine area of responsibility (PAR).

Inaasahang papasok ang mga ito sa PAR sa unang bahagi ng susunod na linggo.

Samantala, ang sentro naman ng bagyong Juan ay namataan naman base sa satellite and surface data sa layong 330 kilometro sa hilagang kanluran ng Laoag City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 210 kilometro bawat oras.

Bahagya naman itong bumilis sa 11 kilometro bawat oras habang papalapit sa kalupaan ng bansang China.

October 21, 2010 - Posted by | Exclusive, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: