DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

AJ Banal, wagi kahit bumagsak sa illegal punch

CEBU CITY – Idineklarang panalo dahil sa diskwalipikasyon ng banyagang katunggali ang Pinoy fighter na si AJ “Bazooka” Banal matapos ang pakikipaglaban nito sa Nicaraguan na si Luis “El Demoledor” Perez sa main event ng Pinoy Pride sa Waterfront Hotel and Casino sa lungsod ng Cebu.

Itinigil ng referee ang laban sa ika-pitong round dahil sa patuloy na pagsuntok ni Perez kay Banal kahit pinahinto na ito para paghiwalayin ang dalawa sa isang bahagi ng ring.

Dahil sa “illegal punch” bumagsak si Banal na siya namang sanhi para bigyan ng disqualification sa laro ang Nicaraguan fighter.

Ang Banal at Perez fight ay isang non title bout sa bantamweight division sa loob ng 10 rounds.

Dahil dito nakapagtala na ng record si Banal na 22w-1L-1D sa 17 KO’s; habang si Perez ay may hawak naman na 26W-5L sa 17KO’s.

Sa supporting bouts nanalo si Mark Jason Melligen sa ikatlong round matapos pabagsakin si Vladimir Hernandez ng Mexico sa Lightweight division 10 round non title fight.

Nagwagi rin naman si Jason Pagara laban kay Sapapetch Sor Sakaorat ng Thailand sa 138 pounds fight.

October 30, 2010 - Posted by | Sports, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: