DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Miss USA, bagong Miss World ngayong 2010

SANYA, China – Kinoronahang Miss World 2010 ang Miss USA na si Alexandria Mills sa katatapos na 60th Miss World pageat sa Sanya, China.

Nangibabaw ang ganda ng 18-anyos na si Mills sa 120 kandidata na naghahangad na masungkit ang korona.

Si Mills ay kaga-graduate pa lamang sa high school at pangarap na maging titser ngunit ang hilig nito ay photography at gustong maikot ang buong mundo.

Naging 2nd Princess naman si Miss Botswana Emma Wareus habang 3rd Princess ang Adriana Vasini ng Venezuela.

Taliwas sa inaasahan, ang favorite na si Miss Norway ay hindi nakapasok sa Top 5 dahil hanggang sa Top 7 finalists lamang ito.

Samantala, bigo naman ang Pilipinas na maiuwi ang mailap na Miss World crown.

Ito’y matapos na hindi napabilang sa Top 25 finalists ang pambato ng Pilipinas na si Czarina Gatbonton.

Napag-alaman na tanging ang Miss World na lamang ang walang korona na nakuha ang Pilipinas kung saa sa Miss Universe ay dalawang Pinay beauties na ang nanalo habang sa Miss International, tatlong titulo na ang nasungkit ng bansa.

Sa Miss World, tanging ang aktres na si Ruffa Gutierrez ang nakapag-uwi ng mataas na parangal nang maging 2nd Princess ito sa Miss World 1993 at naging Asia & Oceania’s Queen of Beauty.

Sina Maria Rafaela Yunon at Maria Karla Bautista ay kapwa naging 4th runner-up noong 2003 at 2004 habang naging finalists naman sin Caroline Reyes, Katherine Anne Manalo at Carlene Aguilar.

Nasungkit naman ni Daisy Reyes ang Miss Personality Award sa Miss World 1996.

October 30, 2010 - Posted by | International, Unusual

1 Comment »

  1. soon,soon…………

    Comment by Jessa | October 31, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: