DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Lalaki sa Boracay, arestado dahil sa ‘bomb joke’

KALIBO, AKLAN – Inaresto ng mga miyembro ng Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO) ang 50-anyos na lalaki dahil sa pagbibirong may lamang bomba ang kaniyang bagahe.

Ang suspek ay kinilalang si Junny Pahimuyan ng Brgy. Igang, Pototan, Iloilo ngunit pansamantalang nakatira sa Brgy. Yapak sa Boracay.

 

Si Pahimuyan ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727.

Sinasabing napansin ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Boracay na naka-duty sa Passenger Assistance Center sa Cagban Jetty Port si Pahimuyan at isang porter dala ang dalawang kahon.

Pinaghinalaan ng mga miyembro ng PCG ang mga kahon dahil balot na balot ito ng packing tape.

Agad nilang nilapitan ang suspek na nakasakay na sa bangka patawid sa Caticlan Jetty Port at tinanong kung ano ang laman ng kaniyang mga kahon.

Dito ay nagbiro ang lalaki at sinabing bomba ang laman nito kaya’t nag-panic ang iba pang mga pasahero.

Arogante pa umanong binuksan ng suspek ang kaniyang mga kahon kung saan nakita rito ang mga gamit sa kusina, ngunit walang bomba.

Inamin naman ng lalaki na siya ay lasing at hindi inaasahan ang kaniyang pagbibiro ay magdudulot ng gulo.

Sa ngayon ay patuloy na nakakulong sa Boracay PNP ang suspek base sa ipinalabas nitong waiver na sasailalim sa kustodiya ng naturang himpilan ng pulisya habang wala pa ang preliminary investigation.

November 5, 2010 - Posted by | Local, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: