DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Dugong Bombo 2010’ gumawa ng bagong record

Nagtala na naman ngayon ang “Dugong Bombo 2010” ng panibagong record bilang “pinakamadugong” blood donation campaign sa kasaysayan matapos ang umaabot sa 6,633 successful blood donors sa ginanap na nationwide simultaneous blood letting campaign nitong Nobyembre 6, 2010.

Ang naturang proyekto na kaagapay ang Philippine Red Cross (PRC), local at national sponsors kasama ang mga loyal supporters ng programa ay matagumpay na nakalikom ng kabuuang 6,633 successful blood donors nationwide matapos na beripikahin ng PRC.

Ito ay katumbas ng 2,972,550 million cc ng dugo na nakolekta mula sa 23 na lugar at syudad na merong Star FM at Bombo Radyo stations.

Ang 2,972,550 million cc ay kasingdami ng 2,972.55 litro ng dugo o umaabot sa 785.26 gallons (4 liters per gallon) o katumbas ito ng halos kabuuang 15 drums ng dugo na natipon. (Standard drum is 200 liters).

Na-break ng Bombo Radyo Philippines ang sarili nitong record noong nakaraang taon na 5,737 successful blood donors nationwide o katumbas ng 13 drums of blood as verified by Red Cross.

Ang blood letting campaign sa Bombo Radyo Tuguegarao ay pansamantala munang ipinagpaliban at gagawin na lamang sa November 20, 2010 dahilan sa nangyaring kalamidad doon dulot ng malawakang pagbaha.

Agad namang nagpaabot ng pagbati si Philippine Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang sa Bombo Radyo Philippines at labis din ang kanyang pasasalamat sa buluntaryong nagbigay ng donasyon ng kanilang dugo.

Ngayong taon ang “Dugong Bombo” na  tinaguriang “A Little Pain… A Life to Gain”  ay kasabay ng okasyon ng kaarawan ng presidente at chief executive officer ng Bombo Radyo Philippines na si Dr. Rogelio M. Florete.

Maraming pagkakataon na ring binigyan ng parangal ang Bombo Radyo Philippines ng Philippine Red Cross dahil sa pangunguna nito sa listahan ng iba pang mga kompanya sa Pilipinas sa naitala nito sa kasaysayan na may pinakamaraming units ng dugo na nalilikom nang sabay sabay sa loob lamang ng isang araw sa buong bansa.

Para naman sa Bombo Radyo Philippines ang pagkilalang ito ay iniaalay namin sa libu-libong mga volunteer blood donors nationwide dahil sa kanilang pagmamahal at pakikibahagi na magkaroon ng sapat na supply ng dugo sa panahon ng may dengue outbreaks at kakulangan ng supply lalo na sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.

Bukod sa snacks at fluid replacements na ibinigay sa mga successful blood donors, sila rin ay pinagkalooban ng libreng “Dugong Bombo T-Shirt” bilang souvenir.

November 6, 2010 - Posted by | Exclusive, National, Unusual

1 Comment »

  1. CONGRATULATIONS….

    Comment by Jessa | November 8, 2010 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: