DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pacquiao, 144.6 lbs; Margarito 150 lbs

DALLAS, Texas – Marami ang nagulat sa napakagaan na timbang ni Manny Pacquiao na nagtala lamang sa 144.6 pounds sa katatapos na offical weigh-in kumpara kay Antonio Margarito na eksakto lamang sa catchweight na 150 pounds para sa World Boxing Council super welterweight title na gagawin bukas sa Dallas Cowboys Stadium, Arlington City.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa international correspondent na si Alex Vidal mula Texas, marami sa mga nagmasid sa kaganapan ang nagulat.

Pero sa panayam ng Bombo Radyo sa spiritual adviser ni Manny na si Rey Golingan hindi umano dapat ipag-aalala dahil nasa fighting weight ang Pinoy ring superstar.

Si Golingan ay ninong din ni Manny at ito ang nangunguna sa pagdarasal gabi gabi sa pagsasagawa ng santo rosaryo.

Inaasahan na magdaragdag lamang ng dalawa hanggang tatlong libra si Manny at mapapanatili pa rin ng likis at bilis nito,

Lalo namang umugong ang mga haka haka na pigang piga si Margarito para lamang maabot ang weight limit.

Kaya posibleng kung magdaragdag pa ng hanggang 160 pounds si Margarito ay baka umano maging mabagal na ito.

Kung maaalala noong huling laban ni Pacman kontra kay Joshua Clottey noong buwan ng Marso ay mas mabigat pa ang pound-for-pound king nang umakyat sa timbangan na nagtala sa 148 pounds sa welterweight division.

Samantala, sa report pa ni Vidal sa pagtuntong kanina sa timbangan ni Margarito ay naka brief lamang ito, habang si Manny ay naka boxer shorts.

Nauna rito, sinabi ng Team Pacquiao na batay sa mga impormasyon na kanilang nakukuha hirap umano si Margarito na makuha ang 150 pounds patunay na ang palagi nitong naka-sweatsuit kung nasa training.

Mapapansin din umano na sa ilang aktibidad ay naka sunglasses ito upang itago ang ebidensiya sa kanyang mata.

Ayon pa kay Alex Ariza, ang conditioning coach ni Pacman, nitong nakaraang araw kahit alas otso na ng gabi ay nagdya-jogging pa si Margarito na isang senyales na overweight ito.

November 13, 2010 - Posted by | International, National, Sports, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: