DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Manila hostage taker, kinasuhan kahit patay na?

Kahit patay na, sinampahan pa rin ng Manila Police District (MPD) ng kasong kriminal kaugnay ng naganap na Hong Thai bus hostage incident ang pumanaw na hostage taker na si S/Insp. Rolando Mendoza.
 
Kasong serious illegal detention ang isinampa laban kay Mendoza sa DoJ ng pulisya kung saan siya ang tumatayong principal accused habang ang kapatid nito ang tumatayong accomplice.


 
Ipinaliwanag naman ni Atty. Dennis Wagas ng MPD, layunin ng nasabing kaso na mapalakas ang kaparehong asunto na isinampa laban sa kapatid ng hostage taker na si SPO2 Gregorio Mendoza.
 
Nilinaw ni Wagas na kinakailangan nila itong gawin upang ma-establish ang kaso laban kay Gregorio na buhay pa at maaaring panagutin sa kaso.
 
Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Assistant Prosecutor Vimar Barsellano na wala nang saysay ang kasong isinampa laban sa hostage taker dahil patay na ito.
 
Gayunman sinabi ni Barsellano na maaari itong magamit para naman maisulong ang kaso laban kay Gregorio na itinuturong accessory sa krimen.
 
Kaugnay nito, dumepensa naman ang kampo ni Gregorio sa kasong accomplice to commit illegal detention isinampa laban sa kanya.
 
Iginiit ng abogado nito na si Public Attorney’s Chief Persida Acosta na ang nasabing kaso ay isang malinaw na paglabag sa karapatan ng kaniyang kliyente.
 
Ipinaliwanag ni Acosta na mali ang ginawang pagsasampa ng kaso ng MPD laban kay Gregorio gayong may kapareho na itong kaso na kinakaharap naman sa Manila RTC.

November 17, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: