DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Bulkang Bulusan, muling sumabog

LEGAZPI CITY – Muling nagkaroon ng ash explosion ang bulkang Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay resident volcanologist July Sabit, 7:30 kahapon ng umaga nagparamdam ang bulkan, kung saan umabot ng dalawang kilometro ang taas ng ash cloud.

“Iyong volume ng abo, hindi pa natin masabi ngayon, pero comparatively, mas mataas ng kaunti ang ash cloud ngayong umaga kung ikumpara sa nakalipas na pagsabog nito,” ayon kay Sabit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi pa ng opisyal na posibleng masundan pa ang naturang pagsabog dahil sa abnormal pa rin ang aktibidad ng bulkan.

Nilinaw naman ni Sabit na malayo pa ang major explosion ng Mt. Bulusan sa kabila ng mga naramdamang seismic activity.

“Wala pang major eruption. Hanggang ngayon, wala pa kaming nakikitang significant signs mula sa bulkan para sa isang major explosion.”

Sa nakalipas aniya na 24-hour period, nakapagtala ang Phivolcs ng 12 volcanic earthquakes.

Muli namang nagpaalala ang opisyal sa mga residente malapit sa bulkan na iwasan ang pagpasok sa itinakdang 4-kilometer permanent danger zone at patuloy na tumalima sa mga direktiba ng mga otoridad.

Samantala, napag-alaman naman ng Bombo Radyo Legazpi sa Philvocs Sorsogon na kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga barangay ng Casiguran at Juban sa nasabing lalawigan.

Ayon sa Phivolcs, ito na ang pang-anim na pagsabog ng Mt. Bulusan simula noong Nov. 6 taong kasalukuyan.

Sa ngayon, nananatili sa alert level 1 ang naturang bulkan.

November 21, 2010 - Posted by | Local, National, Regional, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: