DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Penis explosion, due to infection

LA UNION – Labis ang pagsisisi ng 32-anyos na mister matapos umanong magpaturok ng gamot sa kanyang ari upang lumaki dahil sa pang-aasar ng kanyang misis sa La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union sa naturang mister na ayaw munang ipasapubliko ang pangalan, habang ito ay nagpapagaling sa Ilocos Training and Regional Medical Center, sinabi nito na sa tuwing nagtatalik sila ng kanyang 31-anyos na misis ay sumasama umano ang kanyang loob dahil sa pang-iinsulto nito.

Sa kabila ng malaking katawan ng mister ay hindi umano angkop ang sukat ng ari nito dahil naliliitan ang kanyang misis.

Siyam na taon na silang nagsasama at hanggang ngayon ay wala pa silang anak.

Lumapit umano ang nasabing mister sa isang bading na kilala sa kanilang lugar na nagtuturok ng gamot na pampalaki ng ari ng lalaki.

Naligayahan naman mag-asawa matapos umipekto umano ang gamot sa ari ng mister at lumaki ito ng tatlong beses sa dating sukat na mas malaki pa umano sa lata ng sardinas.

Subalit makalipas ang ilang linggo, nakaramdam na ng pananakit sa kanyang ari ang mister.

Namaga at pumutok umano ang ari nito sabay ng paglabas ng nana.

Liban dito, nahihirapang maglakad na ang mister dahil apektado ang mga hita nito.

Sa ngayon labis din ang pagsisisi ng misis bunsod ng pang-aasar niya lagi sa pagsasabing maliit ang ari ng kanyang mister sa tuwing sila ay nagtatalik.

Hindi pa rin umano alam ng doktor ang uri ng gamot o kemikal na itinurok sa ari ng mister.

November 26, 2010 - Posted by | Local, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: