DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Plane crash sa Laoag City

LAOAG CITY – Isang Cessna plane ang aksidenteng sumubsob sa residential area ng Laoag International Airport pasado alas diyes ng umaga kanina.

Ang light plane na may body number RP-C1735 ay isang training flight na nagmula sa Iba, Zambales.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Laoag mula sa airport manager na si Ronald Estavillo, ang eroplano ay pag-aari ng All Asia Aviation Academy.

Napag-alaman na nagtamo ng mga gasgas sa katawan ang piloto matapos mag-crash ang harapan ng eroplano.

Sinabi ni Estavillo na malakas ngayon ang hangin sa airport at maaaring ito ang naging sanhi ng aksidente.

Sinabi umano sa paliwanag ng piloto, na tatlong beses itong umikot sa tapat ng runway hanggang sa mahulog sa riprap at tuluyang sumubsob malapit sa mga kabahayan.

Patuloy pa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang aksidente.

November 27, 2010 - Posted by | Local, National, Regional, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: