DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Morong 43, lalaya na?

Pinababawi na ng Pangulong Benigno Aquino III sa Department of Justice ang kaso laban sa 43 mga health workers na inaresto ng militar matapos na mapaghinalaang miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) sa Morong, Rizal.

Kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day, binanggit ng Pangulo na ipinagkait umano sa mga nasabing detainee ang “due process” kung kaya’t bilang gobyerno na kumikilala sa mga karapatang pantao, dapat lang na palayain ang mga ito.

“We recognize their right to due process was denied them. As a government committed to rule of law…this cannot stand. Therefore I have ordered the DOJ to withdraw the informations filed in court,” ayon sa Pangulo.

Aminado naman ang presidente na nakataya pa rin sa korte ang desisyon kung mapapalaya ang tinaguriang “Morong 43.”

“The medical workers were arrested in the waning days of the Arroyo administration on the suspicion that they were aiding NPA insurgents. These are valid concerns. Nevertheless, we recognize that their right to due process was denied them,” ani Aquino.

Sa panig ng Armed Forces of the Philippinesd (AFP), nakahanda naman umanong tumalima ang militar sa pinakahuling direktiba ng kanilang commander-in-chief.

Ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Jose Mabanta, susunod umano ang sandatahang lakas sa nasabing kautusan ng Pangulong Benigno Aquino.

“Sa amin po, ay depende po sa korte iyon. After nahuli po namin ang mga ito, dinala namin sa korte, nakakulong ngayon. Depende po sa mga authorities kung ano ang gusto nilang gawin. But we feel, the armed forces, we have done our best, at kung sakaling magkaroon man ng pagpapalaya sa kanila, it is beyond us, and we will follow, we will abide by whatever decision is made,” pagtitiyak ng heneral.

December 10, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: