DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

White lady sa modernong panahon?!

Kinumpirma ni barangay Kagawad Willie Imasan ng Barangay Tococ sa bayan ng San Fabian, Pangasinan na may mga pagkakataon na may mga nagpapakitang multo sa kanilang nasasakupang national highway dahilan ng mga aksidente sa kanilang lugar.

Bata pa aniya siya ay kalat at bantog na ang naturang balita kaya’t pinaalalahanan ang mga motorista na magdahan-dahan sa kanilang pagmamaneho.

Karaniwang nagpapakita umano dito ay mga white lady.

Samantala, sinabi naman nito na karamihan naman sa naitatalang aksidente sa kanilang bayan ay dahil sa nasa impluwensya ng alak ang mga biktima na mabilis ang pagmamaneho.

Nanawagan ito sa lahat ng motorista lalo na ang mga driver ng motorsiklo na iwasang magmaneho kapag nakainom ng alak.

Pero ayon naman sa paliwanag ng PNP, posibleng lasing lang talaga ang mga nagmamaneho kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip na guni-guni habang nagmamaneho.

December 15, 2010 - Posted by | Local, Regional, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: