DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Trillanes, laya na

Nakalabas na mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame si Senador AntonioTrillanes IV.

Ganap na alas 9:20 ngayong gabi ay tuluyan ng nakalaya ang nakakulong na mambabatas base na rin sa kautusan na ibinaba ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 Presiding Judge Oscar Pimentel.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Rey Robles, ang abogado ni Trillanes ang paglaya ng kaniyang kliyente.

Ayon kay Robles, ilalagay si Trillanes sa ilalim ng constructive custody ng Senado.

Tumuloy si Sen. Trillanes sa kanilang tahanan sa Cainta, Rizal.

Ang paglaya ni Sen. Trillanes ay kasunod na pagpapatibay noong Lunes sa plenaryo ng House of Representatives ang Presidential Proclamation No. 75 na nagbibigay amnestiya sa mga sundalong nag-aklas noon laban sa nakaraang Arroyo administration.

Sa botong 213-7, lusot na sa Kamara ang House Concurrent Resolution No. 8 na nagri-rekomenda para sa approval ng amnesty proclamation.

Makikinabang din sa proklamasyon ang mga sundalong nasangkot noon July 2003 Oakwood Mutiny, February 2006 Marine standoff at November 2007 Manila Peninsula takeover.

Matatandaang nakilala si Sen. Trillanes sa kanyang ginampanan sa hindi na matagumpay na pag-aalsa sa Oakwood noong 2003 nang hinawakan niya kasama ang 321 mga sundalo ang paupahang gusali sa Oakwood sa Lungsod ng Makati.

Naglagay sila ng mga bomba doon at binalaan ng pababagsakin ang gusali. Nasampahan sila ng kaso sa hukumang pangsundalo ng Pilipinas.

Noong halalan ng Mayo 2007 sa Pilipinas, nahalal siya bilang isang Senador sa ilalim ng partidong Genuine Opposition, at naupo sa puwesto noong Hunyo 30, 2007 habang nakadetine.

Noong Nobyembre 29, 2007, lumabas siya sa kanyang sariling paglilitis at pumunta sa Manila Peninsula sa Lungsod ng Makati at hinimok ang publiko na patalsikin si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

December 20, 2010 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: