DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Southern Luzon, tuloy ang malalakas na ulan’

Ang makakapal umanong kaulapan ang dahilan ng malalakas na pag-ulan na nararanasan sa bahagi ng Bicol region at Southern Luzon.

Sinabi ngayon sa Bombo Radyo ni weather forecaster Rommel Yutoc, apektado rin ng mga pag-ulan ang bahagi ng Eastern Visayas kung saan ang nagdadala nito ay ang tinatawag na tail end of the cold front at wind convergence.

Pero ayon sa Pagasa pababa na rin ang makapal na kaulapan patungo ng Northern Mindanao.

Pero habang hindi pa nababasag ang konsentrasyon ng makakapal na kaulapan ay magpapatuloy ang malakas na mga pag-ulan.

Samantala, mananatili rin naman ang malakas na hanging amihan sa Luzon at Visayas areas kaya magiging maalon ang coastal areas.

Muling inabisuhan ng Pagasa ang mga mangingisda sa bahagi ng Luzon seabords dulot pa rin ng hanging amihan.

Ang Metro Manila ay makakaranas din ng madalas hanggang maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan.

Naitala naman kaninang madaling araw ang lamig ng panahon sa Baguio City sa 13 degrees Celsius, habang ang bahagi ng Tuguegarao ay nasa 19 degree Celsius.

Sa Metro Manila ang temperatura at iba pang lugar sa bansa ay maglalaro sa 22 hanggang 30 degrees Celsius.

Sinasabing magpapatuloy ang malamig na panahon hanggang sa buwan ng Pebrero ng susunod na taon.

December 25, 2010 - Posted by | National, Regional, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: