DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Lamig sa Baguio City, tumindi pa

BAGUIO CITY – Tulad ng inaasahan patuloy na tumitindi ang lamig sa “summer capital of the Philippines” habang papatapos ang buwan ng Disyembre.

Sa ulat ng Pagasa-Baguio, bumagsak sa 12.2 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura sa City of Pines ngayong umaga.

Ito na ang naitalang pinakamababang temperatura sa lungsod ng Baguio ngayong buwan ng Disyembre.

Una na ring sinabi ng Pagasa na inaasahan pang titindi ang lamig sa lungsod hanggang sa buwan ng Pebrero dahil sa epekto ng Siberian wind o hangin na nanggagaling ng China.

Kapansin pansin pa ang pagbuhos ng mga bakasyunista sa lungsod na lalong nagpatindi sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

Kaya naman, patok na patok ngayon ang kita ng mga hotels.

Samantala, kung kumikita sa malamig na klima ang turismo ng lungsod ng Baguio at mga negosyanteng nagtitinda ng mga produktong panglaban sa lamig na tulad ng mga damit at pagkain, nagiging problema naman ito sa ilang magsasaka sa lalawigan ng Benguet tulad sa mga bayan ng Atok at Buguias dahil malayong mas matindi pa ang lamig na nararamdaman doon, na sumisira naman sa kanilang mga pananim.

December 28, 2010 - Posted by | Local, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: