DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

State of calamity, idineklara sa Albay

Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Albay kasunod ng ilang araw na walang humpay na pagbuhos ng ulan dahilan ng malawakang pagbaha at landslide.

Sa report ng Bombo Radyo Legazpi, nagpatawag umano ng emergency meeting si Gov. Joey Sarte-Salceda at nagdesisyon na ideklara ang state of calamity sa lalawigan dahil sa patuloy na paglawak ng pinsalang dulot ng mga pag ulan.


Dalawang katao na ang nawawala matapos matabunan ng gumuhong lupa sa bayan ng Manito.

Ipinag-utos na rin ni Salceda sa lahat ng mga munisipyong apektado na magsumite ng kani-kanilang damage report upang malaman ang mga susunod na hakbang kaugnay sa naturang kalamidad.

Ayon sa Pagasa, bagama’t walang bagyo, inaasahang aabutin pa hanggang unang linggo ng Enero ang mga pag-ulan sa Bicol, na pinangangambahang lalo pang magdudulot ng matinding pinsala.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Gov. Salceda na dalawa na ang namatay bunsod ng pagbaha sa Albay.

Inihayag ni Salceda na natagpuan na ang bangkay ng mag-inang Lolita Dadap, 80 at anak nitong si Antonio.

Ang dalawa ay tinangay ng rumaragasang landslide sa Barangay Inang ,Manito, Albay habang papunta na ang mga ito sa evacuation center.

Sa report ng Bombo Radyo Legazpi, nanlumo si Gov. Joey Salceda, dahil hindi natupad ang hangaring zero casualty sa pananalasa ng kalamidad sa lalawigan.

Samantala, apat na mga flights na naman patungo at mula sa Bicol region ang kinansela nitong umaga bunsod ng masamang panahon.

Kabilang sa mga hindi natuloy na flights ay ang biyahe ng Zest Air patungong Masbate at Masbate pabalik ng Maynila.

Ayon pa sa Manila International Airport Authority, kinansela rin ang Cebu Pacific Flight 5J 323 patungong Legazpi City at mula Legazpi pabalik ng Maynila.

December 30, 2010 - Posted by | Local, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: