DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

546 biktima ng paputok, posible pang madagdagan – DoH

Umaabot sa 546 ang mga naging biktima ng paputok at stray bullets sa buong bansa kaugnay sa pagsalubong sa taong 2011.

Ayon sa Department of Helath (DoH) mas mababa ito ng pitong porsiyento kung ihahambing noong nakaraang taon sa period na hanggang alas 12:00 ng tanghali ng Enero 1.

Mula sa 17 rehiyon, pinakamataas ang bilang ng mga naitalang biktima ng firecrackers at stray bullets sa National Capital Region (NCR).

Batay sa breakdown na inilabas ng DoH kaninang tanghali, 95 percent o 518 ng mga injuries sa selebrasyon ng New Year ay dahil sa paputok.

Isa ang namatay matapos na nilunok ang paputok subalit nilinaw ng DoH na ito ay intentional suicide.

May 20 namang biktima ng ligaw na bala kung saan 16 ay mula sa NCR, isa sa Reg. 4-A, dalawa sa Reg. 5 at isa sa Western Visayas (Reg. 6).

Sa kaso ng fireworks ingestion, tatlo ang nakalunok ng paputok mula sa Region 3 at tatlo rin sa NCR.

Pinakamataas na bilang sa mga naging nabiktima ng paputok ay galing din sa NCR na umaabot sa 301, pumapangalawa ang Ilocos region na nagtala ng 35 at 29 naman mula sa Western Visayas.

Inihayag ni Health Undersecretary Mario Villanueva, pinakamarami sa mga biktima ay kabataan na isa hanggang 10-anyos, habang 79 sa mga nabiktima ay lalaki.

Ngunit sa mga naputukan ng firecrackers, anim na porsiyento lang ang naputulan ng mga darili, habang 16 percent ang nagtamo ng eye injuries.

Ayon kay Usec. Villanueva, pangunahing dahilan sa pagdami ng bilang ng mga biktima ng paputok ngayong taon ay bunsod ng talamak na bentahan ng mababang kalidad ng piccolo, maraming bilang ng mga bystanders na nadamay sa mga nasabugan at karamihan sa mga biktima ay lasing nang maputukan ng firecracker.

Samantala, hindi pa pinal ang inilabas na figures ng DoH dahil hanggang Enero 5 pa ang monitoring ng ahensiya.

Kapag nagpatuloy umano ang trend sa mataas na bilang ng mga biktima, posibleng malampasan pa nito ang kabuuang bilang ng casualties sa pagsalubong noong nakaraang bagong taon.

Ngunit kung wala na umanong may madadagdag pa sa nasabing datos, mas mababa ito kung ihahambing noong 2010 na umaabot ng mahigit 600 ang nabiktima ng paputok.

January 1, 2011 - Posted by | Health, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: