DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Firecracker injuries, 929 na – DoH

Umabot na sa 929 ang bilang mga nabiktima ng paputok at ligaw na bala sa pagsalubong ng taong 2011.
 
Batay sa Kampaniya Kontra Paputok Surveillance ng Department of Health (DOH), mula Disyembre 21, 2010 hanggang Enero 3, 2011, ay patuloy pa ring lumulobo ang naitatala nilang firecracker-related injuries.
 
Ang naturang kabuuang bilang ay mas mababa pa rin naman ng 106 kaso (10%) kumpara sa naitalang kaso noong salubungin ang taong 2010.
 
Nabatid na 882 kaso (95%) ay nasugatan dahil sa paputok, 36 kaso (4%) ang nasugatan dahil sa ligaw na bala, at 11 kaso o (1%) ay dahil sa fireworks ingestion.  Isa ang naitalang nasawi dahil sa intensiyonal na pag-inom ng piccolo powder.
 
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga biktima na aabot sa 513 (55%).
 
Pinakaapektadong age group ay mula isa hanggang 10-taong gulang at ang piccolo pa rin ang pinakamaraming nabiktima na umabot sa 245 (28%).

January 4, 2011 - Posted by | Health, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: