DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Patay sa baha, umakyat na sa 21

Lumobo pa ang bilang ng mga namatay at nagsilikas bunsod ng pananalasa ng kalamidad sa pitong rehiyon sa bansa.

Sa opisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 18 na ang nasawi, apat ang nasugatan  habang halos 400,000 na ang apektado ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Regions 4-B,  5,  7,  8,  10,  11,  ARMM at Caraga Region.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos, pinakahuling naitala ang 25 taong gulang na binata na kinilalang si Jonas Caan ng Barangay Pongpong Sta. Maria Davao del Sur  na nasawi matapos na malunod.

Sa hiwalay na ulat ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Director Blanche Gobenciong ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) Caraga, mula sa pito ay umakyat na sa 10 katao ang namatay, apat ang missing at dalawa ang sugatan sa buong rehiyon ng Caraga dahil sa pagbaha habang nasa 296,252 katao rin ang apektado ng nasabing kalamidad, dahilan upang umakyat na sa 21 ang bilang ng mga nasawi sa pitong rehiyon.

Dagdag pa ni Gobenciong, pumalo na sa 18 kabahayan ang totally damaged at pito ang partially damage samantala 271 mga barangay na rin sa buong rehiyon ang binabaha.

Una rito, isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Surigao del Sur kasama na ang lungsod ng Butuan na una nang isinailalim sa partial state of calamity.

Sa lungsod ng Butuan lamang, sinasabing umaabot sa P8.1 million na ang pinsala sa agrikultura dulot ng baha.

Balik na naman umano sa normal ang biyahe ng mga eroplano sa Bancasi airport na una nang nakansela nitong nakalipas na araw.

Nabatid na umaabot sa pitong katao ang nasawi, lima sa Southern Leyte, tatlo sa Albay, tig-iisa sa lalawigan ng Lanao del Norte at Compostella Valley.

January 5, 2011 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: