DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Bagong BoC official, nahatulan na sa SC bago na-appoint?

Matapos ang kontrobersyal na pagpili sa dating abogado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si Atty. Sixto Brillantes bilang Comelec chairman, isang opisyal na naman ng Bureau of Costums (BoC) ang sinisilip ngayon ng ilang kritiko.

Kwestiyunable kasi umano ang pagkakatalaga kay Prudencio Reyes Jr. bilang bagong deputy commissioner for intelligence ng BoC matapos matuklasan na dati na itong nahatulang guilty sa isang kasong kriminal noong 2009.

Batay sa isang pahinang entry of judgment ng 2nd division ng Supreme Court (SC) na may petsang Agosto 14, 2009, pinagtibay ng mataas na hukuman ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagbabasura sa apela ni Reyes kung saan pinatawan siya ng isang taong suspensiyon o multa na halagang katumbas ng kanyang isang taong serbisyo sa gobyerno.

Nag-ugat ang kaso sa isinampang reklamo sa Ombudsman noong Marso 3, 2000 nina Deputy Administrators Simplico Belisario, Emmanuel Malicdem, Daniel Landingin at Rodolfo de Jesus laban kay Reyes noong siya pa ang administrator ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Nagreklamo ang mga complainant dahil sa natuklasan ang masamang motibo ni Reyes sa pagsibak sa mga opisyal nang walang malinaw na kadahilanan.

Matatandaan na inanunsiyo na ni Commissioner Angelito Alvarez na sina Maria Caridad Manarang at Reyes ang kaniyang dalawang bagong deputies.

Si Manarang ang siyang mamumuno sa Management Information System and Technology Group habang si Reyes naman ay bilang deputy commissioner ng intelligence group subalit dahil sa kuwestiyonable ang kwalipikasyon nito ay panibagong sablay na naman umano ito sa appointment ni PNoy.

January 21, 2011 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: