DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Warrant of arrest vs Lacson, ibinasura na

Ikinagulat ng kampo ni Sen. Panfilo Lacson at maging ng testigong si dating S/Supt. Cesar Mancao, matapos ilabas ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nag-aalis sa umiiral na warrant of arrest laban sa mambabatas.

Kinatigan na kasi ng CA ang petisyon ni Lacson na humihiling na ibasura ang umiiral na arrest warrant sa kaniya kaugnay ng Dacer-Corbito double murder case, isang dekada na ang nakararaan.

Sa 80-pahinang desisyon, binaliktad ng CA 6th Division ang desisyon ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 18 na nagsasaad na nakakita ito ng probable cause para litisin si Lacson sa pagpatay kay publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Dahil dito, ang mga desisyon na inilabas ng korte noong Pebrero 4, 2010 at Hulyo 23, 2010 kung saan nakitaan ng probable cause ang kaso laban sa nagtatagong senador ay binawi na rin ng Appellate Court.

Ang mga impormasyon sa mga nasabing kasong kriminal ay inihain ng DoJ sa Manila court.

Sinulat naman ni Associate Justice Ramon Bato, Jr ang desisyon na kinatigan ng mga kasamahan sa kanilang dibisyon na sina Associate Justices Juan Enriquez Jr. at Isaias Dicdican.

Samantala, mismong ang abogado na rin ni Lacson ang nanawagan ng agarang paglutang ng senador dahil wala na umanong sagabal at pangambang huhulihin siya kapag nagpakita sa publiko.

Handa rin umano silang salubungin ng isang pagdiriwang ang mambabatas kung sakaling magbabalik na ito matapos ang mahigit isang taon na pagtatago.

February 3, 2011 - Posted by | Justice Issue, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: