DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Sa likod ng pagkamatay ni Angelo Reyes

TRIVIA: Noong Abril 11, 2005 ay isa ring insidente ng pagpapakamatay ang nangyari sa loob ng  Loyola Memorial Park sa Marikina City. Tulad ni dating Sec. Angelo Reyes, nagpakamatay din umano si Ted Borlongan na isang banker sa harapan ng libingan ng kaniyang ina. Ayon sa SOCO, walang duda na nagpakamatay nga si Reyes at inaalis na nila ang anggulong binaril ito ng iba pang tao. Nabatid naman na may dala pang libro ang dating heneral ng gawin nito ang pagbaril sa sarili. Ang nasabing aklat ay may pamagat na ‘Trump: The Art of the Deal’


Naging madalas umano ang pagdalaw ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Angelo Reyes sa puntod ng kaniyang magulang sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Sa katunayan, inihayag sa Bombo Radyo ni Noven Llamada, ang guwardiya ng sementeryo na kahapon lamang ay nakita rin nila doon ang dating kalihim.

Si Llamada ay isa sa mga unang sumugod sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng biktima, na pinaniniwalaang nag-suicide.

“Nakarinig po kami ng putok, tapos tumakbo na kami sa pinanggalian (putok) at doon nga nakita namin at nakumpirma namin na si Reyes nga po. Kasama po niya ang kaniyang mga anak at driver. Iyong sasakyan din po nila ang nagdala sa ospital,” ani Llamada.

Sa exclusive na panayam pa rin ng Bombo Radyo kay Atty. Bonifacio Alentajan, ang abogado ni Reyes, ikinagulat naman nito ang balitang nagpakamatay ang kliyente.

Sinabi ni Alentajan na kahapon lamang sila huling nagka-usap ng kliyente at wala naman umano siyang nakitang senyales ng labis na kalungkutan dito.

“Hanggang kahapon nga ay nag-usap pa kami tungkol sa sulat na ipapadala sa Kamara. So, wala naman akong nakikitang senyales mula sa kaniya na mangyayari ito. Hindi naman siya malungkot,” ani Alentajan.

Samantala, umapela naman ngayon ang naulilang pamilya ni Reyes sa media na huwag gawing “circus” ang nangyari.

Ayon kay Patricia Daza, information officer ng dating kalihim na sa kasalukuyan ay labis ang pagluluksa ng pamilya at kailangan umano nila ng privacy.

Sa ngayon ay dinala na sa Arlington Funeral Homes ang labi ni Reyes.

February 8, 2011 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: