DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Japan, umusog ng 2.5 m dahil sa lindol

Inihayag ngayon ng isang eksperto na umusog ang main land ng Japan dahil sa 8.9 magnitude na lindol na naitala nitong nakaraang Biyernes.

Ayon kay Kenneth Hudnut, isang geophysicist mula sa U.S. Geological Survey (USGS), gumalaw ang bed rocks sa lugar na kinalalagyan ng Japan kaya nangyari ang pagdasig nito ng walong talampakan o katumbas ng halos 2.5 metro.

Maging ang galaw umano ng mundo sa axis nito ay naapektuhan ng nasabing pagyanig.

“At this point, we know that one GPS station moved, and we have seen a map from Geospatial Information Authority in Japan showing the pattern of shift over a large area is consistent with about that much shift of the land mass,” wika ni Hudnut.

Sa hiwalay na ulat ng National Institute of Geophysics and Volcanology mula sa Italya, sinasabing nagkaroon ng apat na pulgadang (10 sentimetro) paggalaw ng earth’s axis.

Bukod dito, ilang eksperto pa ang nagsasagawa ngayon ng pananaliksik at pagtuklas kung ano pa ang ibang mga naging epekto sa mundo ng pinakamapaminsalang lindol ngayong 2011.

March 12, 2011 - Posted by | International, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: