DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Hero’s welcome para sa Phl Azkals

Isang hero’s welcome ang naghihintay sa Philippine national football team Azkals sa pag-uwi nito bukas pagkatapos ng matagumpay na kampanya sa Myanmar.

Gumawa ng kasaysayan ang Azkals pagkatapos na sa unang pagkakataon, pumasok sa main tournament  ng Asian Football Confideration (AFC) Challenge Cup.

Sa paliwanag sa Bombo Radyo ni Philippine Olympic Committee POC Chairman Monico  Puentevella sinabi nito na ang naging laro sa Bangladesh ay “must win” upang makapasok sa susunod na antas ng torneo at iyon nga ang ginawa ng Azkals at inilampaso ang kalaban 3-0.

Bago ang panalo kontra Bangladesh, nagtabla muna ito sa Myanmar, 1-1, at Palestine, 0-0, kaya’t do-or-die ang laro nito kontra Bangladesh.

Naging bayani si Ian Araneta na umiskor ng isang goal at Fil-Spanish Angel Aldeguer na gumawa ng dalawang puntos para sa Azkals.

Tatanggap din umano ng $1,500 ang bawat miyembro ng Azkals mula sa kanilang team manager na si Dan Palami dahil sa kanilang makasaysayang panalo.

Sa 2012 pa ang sunod na laro ng Azkals sa AFC Challenge Cup dahil patuloy pa ang laro sa group stage kung saan walong team ang makakapasok sa main stage ng torneo.

Samantala, malaking selebrasyon sa larangan ng Philippine football ang panalo ng Azkals at pagpasok sa main draw ng AFC Cup.

Dahil dito, masayang masaya ang Filipino-Spanish player na si Angel Aldeguer sa tagumpay ng Azkals lalo pa’t siya ang umiskor ng dalawang puntos.

Pinasalamatan ni Aldeguer ang lahat na mga Pinoy na nagdasal at sumuporta sa kanila.

Sa panig naman ni Araneta, proud siya sa unang goal na nagawa sa Azkals.

Inihayag nito na hindi niya iniisip ang maka-iskor bagkus ang matulungang manalo ang Azkals ay prayoridad niya.

Naghanda naman ng kaunting salo-salo ang Philippine Embassy sa Myanmar para sa panalo ng national team.

Sunod na tournament na paghahandaan ng Azkals ay ang World Cup qualifier na mangyayari sa June 28 at July 3.

March 26, 2011 - Posted by | Uncategorized

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: