DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Gipit sa pondo para sa Azkals’ home game’

Aminado ang Philippine Football Federation (PFF) na nangangapa pa sila kung saan kukuha ng pondong gagamitin para sa World Cup qualifying match ng national football team na Azkals kontra Sri Lanka.

Sa isang kalatas, sinabi PFF President Mariano Araneta na wala pang kasiguruhan kung mabibigyan sila ng subsidy ng Fédération Internationale de Football Association (FIFA) para sa gagawing hosting ng laro sa Hulyo 3.

Ang susunod na laban ng Azkals ay bahagi na ng qualifying para sa FIFA World Cup 2014.

“We don’t know if we can get any subsidy from FIFA for the hosting and we have to rent for the field and shoulder other expenses”.

Dahil sa higpit ng pangangailangan sa pondo, binanggit din ng opisyal na wala na umanong libreng ticket silang maibabahagi sa mga Azkals’ fans.

Maalala na sa ginanap noon na Asian Football Challenge Cup pre-qualifiers, namigay ng 10,000 libreng tickets ang PFF para sa mga Filipino fans na makapanood sa laban ng Azkals kontra Mongolia sa Panaad Stadium, sa Bacolod.

“What is certain is that there won’t be any free-seating for the public. We need to raise funds to cover for the expenses of hosting the event,” paglilinaw pa ni Araneta.

Ang first round ng laro ay gaganapin sa Colombo sa June 29, kung saan kailangang matalo ng Azkals ang Sri Lanka Booters para masiguro ang posisyon sa liga.

Samantala, inaasahan na sa Abril 15 ay opisyal ng malalaman kung saan gaganapin sa Pilipinas ang laro.

Una ng inihayag sa Bombo Radyo ni Azkals team manager Dan Palami na posibleng sa Rizal Memorial Football Stadium sa lungsod ng Maynila gaganapin ang Phl-Sri Lanka match.

“This way, we don’t need to fly the Sri Lankans to Bacolod and then back to Manila. It will also be easier for our players coming in from Europe and the US Logistics wise, it’s better to stage it here in Manila,” pahayag pa ni Palami.

April 3, 2011 - Posted by | National, Sports, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: