DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pinakamainit ngayong 2011 sa MM, naitala

Naitala ngayong araw ang pinaka-mainit na temperatura sa Metro Manila para sa loob ng taong ito.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pagasa weather forecaster Gladys Saludes, iniulat ng opisyal na umabot ng 36.1 degree Celsius (°C) ang init ng panahon sa Maynila ngayong hapon.

Sinasabing ang inaasahan na normal temperature para sa buwan ng Abril sa nasabing lungsod ay nasa 34.9 °C lamang.

Maalala na noong May 26, 2010 naitala ang highest temperature sa Metro Manila na umabot ng 38 °C.

Samantala, naitala naman ngayong araw ang 37.8 °C na temperatura sa Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan.

Kaugnay nito, patuloy naman ang panawagan ng Department of Health (DoH) sa publiko na ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig lalo na sa tanghali, para maiwasan ang dehydration.

Pinag-iingat din ng kagawaran ang mga kababayan sa mga sakit na dulot ng matinding init ngayong summer.

April 26, 2011 - Posted by | Health, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: