DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Ombudsman Gutierrez, nag-resign na!

Moot and academic na ang impeachment trial na isasagawa sa Senado, ito’y matapos tuluyang magbitiw ngayon si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo, ito umano ang magiging laman ng magiging pulong balitaan mamaya na ipapatawag ni Gutierrez.

Dito ay ilalahad din umano ang mga dahilan kung bakit humantong ang pinuno ng Ombudsman sa nasabing pasya.

Agad namang pinuri ni Senate President Juan Ponce Enrile ang naging hakbang ni Gutierrez na pinakamainam niyang gawin.

Una rito, sinibak naman ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez III, habang nagbitiw naman si Deputy Ombudsman for Luzon Mark Jalandoni.

Sa daratings anang Mayor ay inaasahan na ang pag-sisimula ng impeachment trial kung saan ay naghahanda na rin sana ang mga senador na tatayong judges.

Habang nabuo na rin ang House panel na siyang magiging prosecutors.

Bago ito, ilang beses na ring hayagang inilalahad ng Pangulong Noynoy Aquino ang kaniyang disgusto kay Gutierrez na isang hadlang umano para ipatupad ang reporma laban sa kampanya kontra katiwalian.  Si Gutierrez ay appointee ni dating Pangulong Gloria Arroyo kung saan sa 2013 pa sana ang pagtatapos ng kanyang termino.
 
Sinasabing personal umanong iniabot ni Gutierrez ang kanyang resignation letter sa Pangulong Aquino.

 

ITEM 2

Pinuri ng mga senador si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa kanyang kapasyahan na magbitiw sa pwesto 10 araw bago ang pagsisimula ng paglilitis ng kanyang impeachment case sa Senado na tatayong impeachment court.

At dahil moot and academic na ang impeachment case kasunod ng pagbitiw ng Ombudsman, wala ng magaganap na trial sa Senado.

Sinabi nina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Chiz Escudero na magandang hakbangin ang ginawa ni Gutierrez na magbitiw na lamang sa pwesto dahil nakaiwas ang gobyerno sa oras at gastos na igugugol sana sa kanyang impeachment trial.

“It was a right move on her part,” ayon kay Enrile.

Ayon naman kay Escudero, mas mapagtuunan ng pansin ng Senado ang legislative works nito lalo’t maraming kinakaharap na problema ang bansa ngayon tulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dulot  ng mataas na presyo ng langis.

Tinawag pa ni Escudero na “statesmanship” ang ginawang pagbitiw ni Gutierrez lalo’t nailigtas nito ang Senado at taong bayan sa pasanin na maidudulot ng mahabang impeachment trials.

Nilinaw  naman ni Enrile  na hindi nangangahulugang ligtas na si Gutierrez sa kakaharaping asunto sa kanyang pagbitiw sa pwesto.

April 29, 2011 - Posted by | Justice Issue, Media, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: