DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pacquiao, naaksidente bago ang laban

Tiniyak ng kampo ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao na nasa maayos na kondisyon si Pacman sa kasunod ng report pagkakasangkot umano sa isang car acciden.

Lumabas kasi sa isang kilalang Hollywood website na TMZ na pabalik na si Pacquiao sa kanilang tinutuluyang hotel sa Las Vegas mula sa pagsisimba nang maganap ang insidente.

Ayon sa ulat, mismong ang sasakyan ng kaniyang mga security personnel ang nakabanggaan ng sasakyan ni Manny habang nasa siksikang daloy ng trapiko.

Pero ayon naman sa impormasyon na ipinarating sa Bombo Radyo ni Philippine Olympic Committee (POC) Chairman Monico Puentevella mula sa Las Vegas, wala itong katotohahan at nagkasama pa sila sa The Hotel sa Mandaly Bay kung saan tumutuloy ang pound-for-pound king.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo sa confidante ni Pacman, ang boxing promoter/manager na si Rex “Wakee” Salud, sinabi nito na “wala namang nabungo naatrasan lang” ang sasakyan ni Manny.

Wala rin umanong nangyari sa Pinoy ring superstar dahil nasa kuwarto lamang ito at sa katunayan ay “in high spirits” pa.

Tuloy tuloy din ang laban ni Pacquiao at kanina ay dumalo sila sa isang misa loob ng suite.

Inamin ni Salud na bilang pagsunod sa kagustuhan ng kanyang malapit na kaibigan, ay nagsuot na rin siya ng yellow t-shirt at ang iba pang miyembro ng Team Pacquiao.

Nang makapanayam si Salud ay ilang minuto lamang ay naghahanda na sila bago umaalis sa The Hotel.

Ilang oras bago aniya ang laban ay wala ng ticket at maging ang mga closed-circuit television ay ubos na rin kaya maraming mga kaibigan niya mula sa Cebu at Davao ay hindi na niya natulungan para makalibre ng tickets.

May 8, 2011 - Posted by | International, National, Sports, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: