DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Mayon volcano, posibleng sumabog?

LEGAZPI CITY – Maliban sa 15 volcanic quakes sa nakalipas na 24 oras, naitala rin umano ang isang rockfall-related event at moderate steam emission sa bunganga ng Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), umabot ng 400 meters ang taas ng ibinugang usok mula sa crater ng bulkan.
“Mayon Volcano’s seismic network recorded 15 volcanic earthquakes and one rockfall-related event during the past 24 hours. Moderate emission of white steam that reached a maximum height of 400 meters above the summit crater was observed drifting west–southwest and southwest,” ayon sa update ng ahensiya.

Napansin din umano ang pag-babaga sa bunganga ng Mayon na senyales ng “increased activity” nito.

Sa kabila nito, nanatili pa rin sa Alert Level 1 ang alarma ng Mayon Volcano, kung saan mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng mga residente sa loob ng itinalagang 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

“Active stream/river channels and those perennially identified as lahar-prone areas in the southern sector should also be avoided especially during bad weather conditions or when there is heavy and prolonged rainfall.”

Samantala, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang apat na volcanic earthquakes sa palibot ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

“In addition, it is reminded that the entire Volcano Island is a Permanent Danger Zone (PDZ), and permanent settlement in the island is strictly not recommended.”

May 15, 2011 - Posted by | Local, National, Regional, Science, Unusual

2 Comments »

  1. DAHIL SAYO KAYA AKO NAKAGAWA NG ASSIGNMENT

    Comment by ILOVECJ03 | November 30, 2013 | Reply

    • hahaha.. sana po may naitulong ung post ko. libangan ko po ang mag-research ng mga isyu at pangyayaring may kinalaman sa mga bulkan, lindol, bagyo at iba pang phenomenon. kung may maitutulong po ako, magsabi lang po kayo… salamat po!

      Comment by dennis | December 1, 2013 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: